Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mga mag-anak na tinangay ng tubig-baha; nag-landing sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot.
Pero sino ang taong 'yon? Maliligtas nya ba sila Aling Bay? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?
KAPITAN SINO
Ang pinakabagong superhero noon, mas matibay pa sa orig. Sa mas mahabang panahon.